-- Advertisements --
PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

Tiniyak ng Pasay City General Hospital ng mga emergency patients o yung mga pasyenteng may critical na kondisyon na isinusugod sa kanilang pagamutan.

Ito ay sa kabila ng kanilang una nang naging abiso na punuan na ang ilan sa kanilang mga pasilidad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines ay nilinaw ni Dr. John Victor de Gracia, ang officer in charge, medical director ng Pasay City General Hospital na bagama’t nakakaranas ng full capacity na ang ilan sa kanilang mga facilities, ay patuloy nilang tatanggapin ang mga pasyenteng may immediate needs.

Paliwanag ni Dr. de Gracia, madalas talagang makaranas ng punuan sa mga pasilidad ang isang government hospital dahil sa mga limitasyon nito kaya’t pinapayuhan na lamang nila ang ibang pasyenteng may mild condition na lumipat muna sa ibang pagamutan imbes na paghintayin pa ang mga ito.

Aniya, sa nakalipas na mga panahon ay halos dalawang beses sa isang buwan sila nakakapagtala ng full capacity sa ilang pasilidad ng Pasay City General Hospital.

Ngunit nilinaw naman niya na hanggang dalawang araw lamang ang tinatagal nito bago nila muling ma-manage ang dami ng mga pasyenteng nagtutungo sa kanilang ospital.

Bukod dito ay binigyang-diin din ni Dr. De Gracia na sa ngayon ay nananatiling manaegable ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang pagamutan at fully operational pa rin ang iba pang mga departamento dito kabilang na ang para sa mga bata at mga buntis.

Samantala, sa ngayon ay nasa 18 mga pasyente ang nananatiling nasa waiting list sa emergency room ng Pasay City General Hospital..

Habang bukod naman sa Emergency Room ay punuan naman na 33 beds sa medical ward, 9 beds sa critical care ward, 12 beds sa probable ward, at gayundin sa Surgery Trans.