-- Advertisements --

Ikinagalak ni Sen. Bong Go ang resulta ng imbestigasyon at imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pagmaltrato ni Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro sa isa sa kanyang mga kasambahay.

Batay sa desisyon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinapatawan si Mauro ng dismissal from the service na may kaakibat na cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits at perpetual disqualification from holding public office.

Sinabi ni Sen. Go, umaasa siyang magsisilbing leksyon ito sa lahat ng mga public officials dahil hindi kukunsintihin ng administrasyon ang anumang pag-abuso sa kapangyarihan.

Ayon kay Sen. Go, gaya ng laging binibigyang-diin ni Pangulong Duterte, tungkulin nilang mga opisyal ng gobyerno na protektahan ang buhay at kapakanan ng mga mamamayan.

Iginiit ng senador na walang sinuman ang may karapatang mang-abuso ng kapwa lalo na ang isang ambassador na mandatong protektahan ang kapwa Pilipino.

“I hope that this serves as a lesson to all public officials that we will not tolerate any form of abuse of power. As the President always emphasized, our duty is always to protect the lives and welfare of our people,” ani Sen. Go.