Binati ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang Gilas Pilipinas men’s national basketball team matapos masungkit ang gintong medalya 19th Asian Games.
Sinabi ni Yamsuan na ang tagumpay ng Gilas ay tagumpay din ng buong sambayanang Pilipino.
Ang sensational na panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa finals match na ginanap noong Biyernes ng gabi sa Hangzhou, China ay tumapos sa 61-year gold medal dry spell ng Pilipinas sa Asian Games.
“Isang pagpupugay sa Gilas Pilipinas sa kanilang pag-uwi ng gintong medalya sa Asian Games matapos ang mahigit anim na dekadang paghihintay. To our Gilas team, your victory is proof that nothing is impossible with determination and hard work,” pahayag ni Yamsuan.
Sinabi ni Yamsuan na nararapat lamang bigyang pugay ang koponan sa pagbabalik nila sa bansa.
Samantala, bukod kay Yamsuan nagpa-abot din ng kanilang pagbati ang iba pang mga mambabatas.