-- Advertisements --
Ibinahagi ng bandang Parokya Ni Edgar na nakalabas na sa Intensive Care Unit matapos na ma-ospital dahil sa pneumonia ang kanilang gitarista na si Gab Chee Kee.
Sa social media page ng banda ay ibinahagi nila ang larawan na may hawak na gitara si Chee Kee.
Ayon pa sa banda na patuloy ang pagpapagaling ng kanilang gitarista.
Noong nakaraang taon ay na-diagnosed siya ng lymphoma at sumasailalim sa chemotherapy.
Magugunitang naglunsad ng iba’t-ibang fundraising activities ang kapwa nitong musikero para matulungan ang Parokya Ni Edgar guitarist.