-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng habambuhay ang suspek sa Marjory Stoneman Douglas High School shooting sa Parkland, Florida.
Ang 24-anyos na si Nikolas Cruz ay unang naghin ng guilty plea noong Oktubre, 2021 dahil sa ginawang pagpatay sa 17 katao noong 2018.
Naging emosyonal ang mga kaanak ng mga nasawing biktima ng binasa ng hukoman ang hatol laban sa suspek.
May ilang mga kaanak ng mga nasawing biktima ang nagpahayag ng hindi pagkakuntento sa hatol dahil nais nila ang parusang kamatayan dapat ang ipinataw.