-- Advertisements --

Ipinakita ng socialite na si Paris Hilton sa publiko ang bagong larawan ng bagong silang na anak nito.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan habang hawak ang bagong silang na anak.

May isang larawan din na kasama ang asawang si Carter Reum at anak na pinangalanang si Phoenix Barron Hilton Reum.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong 2021 matapos ang ilang buwang pagsasama.