
Naibenta sa mahigit 2.2 Million Dollars o katumbas ng 121,271,700.00 ang pares ng sneaker na pag-aari ni NBA Superstar Michael Jordan sa nangyaring auction sa Amerika.
Ang nasabing sapatos ay isang “Bread’ Air Jordan 13s na ginamit ni Jordan sa Game 2 ng 1998 NBA Finals, kung saan nito nakuha ang kanyang pang-anim at panghuling Championship ring.
Sa nasabing auction, nahigitan na ni Jordan ang kanyang record na $1.5M sa naibenta rin nitong sariling pares ng sapatos noong September 2021.
Hindi na rin inilabas ng auction house ang pagkakakilanlan ng mapalad na nakabili sa mga sapatos ngunit ayon sa management, may autograph si Michael Jordan sa mga ito.
Maalalang noong nakaraang taon ay naibenta rin sa auction ang kanyang NBA Jersey sa halagang $10.1Million, o katumbas ng P556, 636, 250.00










