-- Advertisements --

Malaki ang papel ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu  sa pagpapalakas sa presidential bid ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa oras na bumisita ito sa timog na bahagi ng Pilipinas, ayon sa chairman ng Aksyon Demokratiko na si Ernest Ramel.

Ayon kay Ramel, dalawang probinsya kasi ang kinakampanyahan nina Mangudadatu, dahil tatakbo rin ang asawa nito sa Sultan Kudarat bilang gobernador.

Bukod dito, makakatulong din aniya kay Moreno ang pagkakaroon ng sariling local party nina Mangudadato.

Matatandaan na sa proclamation rally ni Moreno noong Pebrero 8 kasama sa mga panauhin na personal na dumalo rito ay sina Mangudadatu at kanyang asawa na si Sharifa Akeel.


Nabatid na ang Maguindanao ay mayroong voting population na 766,497 noong 2019, habang ang Sultan Kudarat naman ay mayroong 452,000 registered voters.