Isinusulong ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang panukalang batas na maglalatag ng mga panuntunan para sa tinaguriang “new normal” bunsod ng COVID-19 pandemic.
Inihain kamakailan ni Legarda ang House Bill No. 6623 o ang New Normal for the Workplace and Public Spaces Act of 2020 na naglalaman ng “universal and mandatory guidelines” tulad nang pagsuot ng face masks sa mga pampublikong lugar, physical at social distancing, at temperature checks.
Buko dito, nakasaad din sa panukala ang mandatory monitoring sa lahat ng private workplaces, public transportation, at iba’t ibang paaralan at learning institutions sa bansa.
Iginiit ng kongresista na hindi na dapat pang bumalik ang taumbayan sa mga nakaugalian bago magkaroon ng COVID-19.
“We should start preparing ourselves and changing our mindset and behavior towards a healthier, more sustainable, and better new normal,” ani Legarda.