-- Advertisements --
duterte speech 1
President Duterte

Nagpadala ng liham si Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Kongreso para gawing prayoridad nila ang pagpasa ng panukalang batas na layong taasan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno

Sa sulat ng Pangulo kina Senate President Tito Sotto na copy-furnished si House Speaker Alan Peter Cayetano na may petsang Dec 13 sinabi niyang sinesertipikahan niya bilang urgent measure ang senate bill 1219

Ayon sa Pangulo, ito ay para mapaganda at mapabilis pa ang public service ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng patas at maayos na sweldo para sa kanila.

Matatandaang sinabi ni House Committee on Appropriations Isidro Ungab na hiniling ng kanyang komite kay Duterte na i-certify nito na urgent measure ang salary standardization bill 5.

Ito ay matapos aprubahan ng kanyang komite nitong Lunes ang isang consolidated bill para rito.

Kapag tuluyang naipasa bilang batas ang consolidated bill, aakyat ng P11,000 hanggang P13,000 sa 2023 ang sweldo ng salary grade 1 employees, habang nasa P20,000 hanggang P27,000 naman ang basic salary ng mga guro.