-- Advertisements --

Naniniwala si House Ways and Means Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na posibleng ang panukalang batas na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang unang panukalang batas na talakayin at ipasa ng Kongreso.

Ang Barangay at SK elections ay nakatakdang isagawa sa December 5, 2022.

Ayon kay Rep. Salceda nasa P8.11 billion kasi ang matitipid ng gobyerno kung ipagpapaliban ito.

Sinabi ng Mambabatas na ang halagang matitipid dito, maaari pa aniyang gamitin sa nagpapatuloy na COVID-19 response at iba pang kinakailangang pang-ayuda.

Suportado rin ni Salceda ang pagpapalawig sa termino ng Barangay at SK officials ng hanggang limang taon.

Punto ng kinatawan, masyadong maikli ang tatlong taon upang mapatunayan ng isang barangay official ang kanyang kakayanan na mamuno.

Sapat naman na para sa mambabatas na i-urong ang halalan para sa BSK sa Mayo ng susunod na taon.

Nasa 41 panukalang batas ang inihain ngayon sa Kamara para sa pagpapaliban ng naturang halalan.

Alas-2 mamayang hapon balik na naman sa regular session ang Kamara.

“A reasonable economic time frame for a barangay o village official to perform his task and prove worthy of his mandate? Five years is good enough. Because they are the only institution in this country which is parliamentary. At saka ang SK is the only institution where there is anti-dynasty law. So we should be able to grow this institutions.” pahayag ni Salceda