-- Advertisements --

Sumalang na sa plenary deliberation sa Kamara ang HB 6687 o mandatory National Citizens Service Training o NCST Program.

Sa nasabing programa lahat ng mag-aaral na kumukuha ng degree course sa Public at Private Higher Education Institution at 2 year TVET courses sa mga Tech-Voc Institution ay required na sumailalim sa NCST.

Sa ilalim ng panukala magiging mandatory ang Citizens’ Training Service Program (CSTP) na kukunin ng dalawang taon habang magiging optional Reserved Officers Training Corps (ROTC) na kukunin sa loob ng apat na taon.

Bubuo rin ng special program bilang alternatibo para sa mga estudyante na may espesyal na pangangailangan gayundin para sa mga foreign students.

Ang mga estudyante na magtatapos sa programa ay bibigyan ng National Service Reservist Serial Number at otomatikong mapapabilang sa reserve force ng AFP.

Habang karagdagang libreng hospitalization, gamot at medical care ang ibibigay sa mga papasok sa ROTC.

Bibigyan naman ng first level civil service eligibility ang mga magtatapos sa ROTC program.

Samantala, sa panig naman ng Makabayan bloc ang pagsusulong ng mandatory National Citizens Service Training Program ay magpapalaganap lamang ng kultura ng karahasan at korapsyon.

Ayon kay Gabriela Party List Representative Arlene Brosas, na walang silbi ang pagsasabatas ng mandatory ROTC kung ang foreign policy kung ang mismo ang gobyerno ay nagpapahintulot sa pagpasok ng US military sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Sabi ni Brosas na imbes na magpasa ng ganitong batas, dapat paigtingin na lamang ang NSTP progam.

Punto ng Makabayan bloc law maker na hindi kailangan ng mga kabataan ang ROTC ang kailangan ng mga ito na magkaroon ng quality education.

” Dapat natin sila hikayatin na tumahak ng landas ng pagsisilbi sa bayan, hindi sa landas ng pagpapalaganap ng karahasan sa ilalim ng ROTC,” pahayag ni Cong. Brosas.