-- Advertisements --

vergara

Sinimulan ng talakayin ng House Committee on Agriculture and Food sa pamumuno ni Representative Mark Enverga ang dalawang panukalang batas na layong magtatag ng Philippine Onion Research Instritute sa bansa at paunlarin pa ang industriya.

Inihain ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara ang panukalang House Bill No. 3110 An Act Developing the Onion Industry, Establising for the Purpose The Philippine Onion Research and Development Center, Declaring the Municipality of Bongabon in the province of Nueva Ecija as the Onion Capital of the Philippines and providing Funds Therefor.

Isinusulong din ni Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing ang panukalang HB 1379 – An Act Creating the Philippine Onion Research Instritute.

Suportado naman ng ilang mga government agencies ang nasabing measure na layong matulungan ang mga kababayan nating nagtatanim ng sibuyas.

Naniniwala si Bongabon Mayor Ric Padilla na malaking tulong para sa kanilang onion farmers ang mga nasabing panukala.

Samantala, naniniwala si Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing na napapanahon na para magtatag ng Philippine Onion Research Institute sa bansa na makakatulong sa mga magtatanim ng sibuyas.

Sinabi ni Suansing na ang main point para sa HB1379 ay ang mga sumusunod Research, training and development, subsidies for seed and farm inputs, access to loan facilities, establishment of market linkages, establishment ng cold storage facilities at disaster response.

Panawagan ng mambabatas sa mga kasamahang lawmakers na suportahan ang kaniyang panukala.