Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang priority bill na layong paigtingin at mapahusay ang implementasyon ng Early Childhood Care and Development (EECD) initiatives sa grassroots level at ilipat ang jurisdiction nito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang attached agency.
Sa naging pagdinig ng Komite, nagkakaisa ang suporta ng mga mambabatas na ilipat ang ECCD Council mula sa Department of Education (DepEd) patungo sa DILG.
Kinikilala nito ang mahalagang papel ng mga LGUs sa epektibo nilang pagpapatupad sa ECCD programs and servises partikular sa pagtugon sa mga mahahalagang isyu ng nasasayang at pagka bansot ng mga bata na nasa edad limang taon pababa.
Binigyang-diin ni Committee on Basic Education and Culture Chairman Rep Roman Romulo, ang kahalagahan na iprayoridad ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata.
Sabi ni Romulo, ang Pilipinas ay may mataas na kaso ng mga batang bansot, kaya hindi academics ang problema kundi kailangan ng mga bata ang masustansiyang mga pagkain.
Ipinunto sa panukalang batas na ang kalusugan at nutrisyon ang mahalagang components para tulungan ang mga batang kulang sa masustansiyang mga pagkain.
Naniniwala si Roman na mas matututukan ng mga local government units ang mga pangangailangan ng EECD Council at matiyak ang efficient delivery ng mga serbisyo.
Ngayong aprubado na ang nasabing panukala ipapasa na ng komite ang ang report sa Appropriations Committee.