-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi pa inaaprubahan ng Inter-Agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panukalang pag-ban sa home quarantine sa mga positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naka-hold pa ang nasabing plano habang hindi pa nakokonsulta ang mga local government units (LGUs).

Magugunitang noong Martes, inihayag ni Interior Sec. Eduardo Año na binabalak ng gobyerno na magpatupad ng ban sa home quarantine para maiwasan ang pagkalat pa ng virus at ito ay kinatigan ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon ay nagpapatupad ang gobyerno ng Oplan Kalinga kung saan nagsasagawa ng house-to-house ang mga local health officials para hanapin ang mga mild at asymptomatic cases para mailipat ng isolation facilities.