Handa na ang Senado sa pagbibigay ng Pilipino citizenship kay Gin Kings power forward Justin Brownlee matapos maghain si Senator Sonny Angara ng Senate Bill 1516 bilang counterpart ng House Bill 825 na nauna na ring lumusot sa unang pagbasa ng Lower House.
Sinabi ni Angara, na siya ring chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, na dadaan din ang panukalang batas sa Committee on Justice na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino gayundin sa plenaryo para sa talakayan hanggang sa umabot sa ikatlong pagbasa.
Minamadali naman ng Congress at Senate na mapabilis ang naturalization process para kay Brownlee dahil na rin sa papalapit na ang Sixth Window ng Fédération Internationale de Basketball (Fiba) Basketball World Cup Asian qualifiers.
Nakatakda rin na aprubahan ng kongreso sa final reading ang naturang House Bill 825 bago ang ang kanilang holiday mula December 14 hanggang January 23, 2023. (with reports from Bombo Victor Llantino)