-- Advertisements --

Lusot na sa joint hearing ng House Committee on Government Reorganization at House Committee on Public Works and Highways ang mga panukalang batas na lilikha sa Department of Water Resources (DWR).

Kaya pinamamadali ng dalawang komite ang pag-apruba ng dalawang komite sa substitute bills ng 35 panukalang batas sa DWR.

Sa ilalim ng panukala, ang DWR ang ang siyang mamamahala sa mga water resources sa bansa, kung saan sa ilalim nito ang Metro Manila Waterworks Sewerage System (MWSS), Local Water Utilities Administration, Laguna Lake Development Authority, Pasig River Rehabilitation Commission, at National Irrigation Administration.

Sinabi ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda, target ng panukalang inaprubahan ng dalawang komite na magiging epektibo ang implementasyon ng mga probisyon na nakapaloob sa Water Code of the Philippines.

Kabilang na dito ang pamamahala sa mga nakaatang na tungkulin para sa pagtitiyak ng sapat na supply at malinis na tubig.