-- Advertisements --

Isang panukalang batas ang itinutulak sa Canada para utusan ang online platforms na agarang alisin ang online content na maaaring maging harmful para sa mga bata kabilang na ang mga sensitibong tema. 

Ang Online Harms Act na isinusulong ni Prime Minister Justin Trudeau ay magbibigay ng karapatan sa mga gumagamit ng online platform na i-request sa tech company na alisin ang isang post na pasok sa seven categories of harm. 

Ang mga ito ay ang pagpapakalat ng intimate content; content that foments hatred; incites violent extremism or terrorism; incites violence; induces a child to harm themselves; at content used to bully a child. 

Ito rin ay magbubuo ng digital safety commission na magsisigurong mayroong features ang online platforms para protektahan ang mga bata tulad na lamang ng parental controls at safe search settings. 

Sa ilalim din ng panukalang batas ay pananagutin nito ang tech companies na hahayaang kumalat ang harmful content. 

Sa kabila nito, inakusahan ng Conservative Party si Prime Minister Trudeau na “woke” at “authoritarian.” Naniniwala kasi ang grupo na ang panukalang ito ng gobyerno ay magiging hadlang para sa freedom of expression ng mga mamamayan ng Canada.