Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kongreso ang panukalang one-time condonation ng mga unpaid loan penalties at interests na pag-aari ng mga magsasaka, fisherfolk at agrarian reform beneficiaries mula sa iba’t ibang government agencies.
Inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting ang House Bill 5702 o ang panukalang Agrarian and Agricultural Loan Restructuring and Condonation Act.
Layon ng naturang panukalang batas na i-facilitate ang reintegration sa financial at banking system ng mga magsasaka at mga mangingisda maging ang mga agrarian reform beneficiaries na hindi nakabayad ng kanilang mga loan.
Sa ilalim ng naturang measure, lahat ng mga hindi nabayarang interests, penalties at surcharges ng agricultural at agrarian loans secured ng mga farmers, fisherfolk, agrarian reform beneficiaries, Cooperative Development Authority (CDA), CDA-registered cooperatives, agrarian reform beneficiary organizations and farmer organizations from the Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, People’s Credit and Finance Corp., National Food Authority at Quedan at Rural Credit Guarantee Corporation ay maililibre na sa pamamagitan ng approval ng application ng mga kuwalipikadong borrower.
Pero ang loan condonation ay sakop lamang mga kasong may kinalaman sa force majeure o market aberration at hindi ito puwede sa mga kaso ng willful default ng borrower.
Isa pang kondisyon para sa condonation ay ang accumulated payments na hinid bababa sa mahigit 2 percent ng loan principal ay dapat isagawa sa oras ng aplikasyon.
Kung maalala, sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinimok nito ang Kongreso na magpasa ng batas para maibsan ang paghihirap ng mga agrariam reform beneficiaries na mayroong mga loan dues para makapag-focus ang mga ito sa farm productivity.
Naniniwala ang Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng naturang measure ay masisiguro ang matagumpay na food security program ng kasalukuyang administrasyon.