Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes ang isang cabinet meeting kung saan inaprubahan ng Gabinete ang panukalang 2027 National Expenditure Program na inihain ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, tinalakay at inaprubahan sa pulong ang panukalang pambansang badyet para sa 2027.
Hindi muna isinapubliko ang kabuuang halaga at iba pang detalye ng panukalang badyet upang hindi maunahan ang pormal na pagsusumite nito ng Pangulo sa Kongreso.
Hindi rin nagbigay ng iba pang detalye si Sec. Gomez kung ano pa ang tinalakay sa ginanap na Cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
Nakatakdang isumite ng pangulo sa kongreso ang NEP sa August 14, 2026, dalawang linggo pagkatapos ng kaniyang State of the Nation Address sa July 27.
Nasa P6.793-trilyon ang pambansang badyet para sa fiscal year 2026.
Mas mataas ito ng humigit-kumulang P467 bilyon o 7.4 porsiyento kumpara sa P6.326-trilyong badyet noong 2025.
















