-- Advertisements --
cropped Senate 6

Isinusulong ni Senator Manuel “Lito” Lapid ang isang panukala na gawing institusyunal ang isang sistema ng pagtatala para sa mga indibidwal na namatay dahil sa drug overdose.

Sa inihaing Senate Bill No. 1498 ni Senator Lapid, kaniyang iginiit ang kahalagahan ng pagkalap ng mga impormasyon sa drug overdose para matugunan ang naturang isyu.

Sa naturang panukala, tinukoy ang drug ovedose gaya ng paglunok o aplikasyon ng isang gamot o iba pang substance ng mahigit sa inireseta o inirekomendang dosis.

Sa explanatory note pa ng naturang panukala, ang drug overdose ay maaaring accidental o intentional misuse,

Sinabi din nito na maaring magresulta ng seryosong adverse consequences at maging kamatayan ang drug overdose.

Sa naturang bill, ang Department of Health Secretary ang siyang aatsan na maglabas ng bi-annual findings sa drug overdose trends sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng makakalap na mga kaukulang impormasyon magreresulta ito sa pagbalangkas ng mga hakbangin para epektibong matugunan ang siyu sa drug overdose.

Top