-- Advertisements --
Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Malakas.
Binigyan ito ng Pagasa ng local name na “Basyang,” na siyang ikalawang sama ng panahon sa ating bansa ngayong 2022.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa alinmang bahagi ng ating bansa.
Hindi rin inaalis ng Pagasa ang posibilidad na mahatak nito ang mas mahinang bagyong Agaton na nasa bahagi ng Visayas.