-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa ang panibagong 72 na mga Pilipino na nasagip dahil sa patuloy na kaguluhan sa bansang Sudan.

Dumating ang sinakyan nilang Saudi Airlines Flight 870 dakong 7:55 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang nasabing mga pinauwing Pinoy ay mabibigyan ng cash assistance bilang panimula sa kanilang buhay.