-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng panibagong 2,536 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, nasa halos apat na milyon na rin ang nationwide tally na sa ngayon ay nasa 3,945,566.
Ang bagong tally ay kasunod na rin ng dalawang araw na nasa 2,000 lang ang mga bagong kaso.
Base sa latest data ng DoH ang active covid cases sa ngayon ay 28,172 mula sa dating 27,553 na active tally.
Ang mga nakarekober naman sa naturang sakit ay umakyat pa sa 3,854,478 habang ang death toll ay pumalo na sa 62,916.