-- Advertisements --
Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring pagpaslang sa media personality na si Percy Lapid.
Sinabi ni Senior Deputy Executive Sec. Hubert Guevarra na inatasan sila ng pangulo na alamin at i-monitor ang development sa imbestigasyon ng kaso.
Ayon kay Guevarra, nakausap na niya ang ilang matatas na opisyal ng pambansang pulisya at sinabing lumikha na ng task force ang Southern Police District para tutukan ang imbestigasyon.
Gustong malaman ng pangulo ang puno’t dulo o motibo ng nangyaring pagpatay kay Lapid.
Pinatutukan na rin aniya ng pangulo ang kasong ito ni Lapid sa Presidential Task Force on Media Security.