
Hindi na simpleng reporma kundi drastikong pagbabago na sa byrukrasya ang ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa gitna ng nananatili pa ring problema ng pamahalaan sa smuggling.
Ito ayon sa Pangulo ay sa harap na rin ng masamang epekto ng pagpupuslit ng mga kontrbando hindi lamang sa local industries kundi pati na ginagawang tax collection ng gobyerno.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na kailangan ng resolbahin ang hindi matigil-tigil na smuggling na kung saan ay halos lahat na aniya ng produkto ayon sa Presidente ay naipapasok ng iligal sa bansa.
Kaugnay nito ay naniniwala ang Presidente na ang kanyang ipinupursigeng digitalization sa Bureau of Customs ay maituturing na isa sa mga repormang dapat na ipatupad upang umayos ang byrukrasya.
Walang duda sabi ng Pangulong Marcos na napaka-importanteng hakbang na gawing modernized ang BOC at gawin ng digitalized ang mga transaksiyon dito katuwang din ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng data- sharing agreement na dito ay mapapabilis ang exchange of information partikular sa mga traded agricultural products.










