-- Advertisements --
cropped rice farmers 5

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanyang isusulong ang isang programa na makakatulong sa mga magsasaka sa aspeto ng financial support.

Ito sabi ng Pangulo ay sa pamamagitan ng pagpapabilis sa loan financing program para sa mga Filipino farmers.

Bukod pa dito sabi ng Chief Executive ang subsidy program na tiyak din aniyang pakikinabangan ng mga magsasaka.

Ang nasabing programa ay isinusulong ng Pangulo kasabay ng ginawang pag-aapruba para sa produksyon ng hybrid rice na naglalayong mapataas ang crop production sa bansa.

Kamakalawa ay nakipag-pulong ang Pangulo sa mga magsasaka ng Central Luzon at kasama din sa meeting ang isang pribadong kumpanya na nasa linya ng research, development, production, at distribution ng hybrid rice seeds.