-- Advertisements --

Nais ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na mas mapagbuti pa ang programa ng pamahalaan para sa mga nangangailangang senior citizen.

Sa mensahe nito sa ika 72 anibersaryo ng DSWD, sinabi ng Pangulo na sa social pension program ng gobyerno ay makakatulong ito para sa araw-araw na pangangailangan at pangangailangang medikal ng mga elderly.

Bukod dito ay nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa ahensiya na ipagpatuloy lang Ang pamamahagi ng cash grants sa mga mahihirap na households na nananatiling apektado ng pagtaas ng mga bilihin.

Paghikayat ng Punong Ehekutibo sa DSWD, manatili lang na gawin Ang commitment sa mga Pilipino habang ginagawa ng pamahalaan ang pagsisikap para umangat Ang buhay ng mga Pinoy.

Malaki aniya ang naiambag ng ahensiya sa mga hakbanging ginagawa ng kanyang Administrasyon para mabawasan ang kahirapan.