Itinalaga bilang bagong Philippine Ambassador to China si Jaime FlorCruz, dating bureau chief ng isang international media company sa Beijing.
Si FlorCruz ay kabilang sa listahan ng mga nominees na inilathala ng Commission on Appointees noong Oktubre 27. Base sa naturang dokumento, itinalaga ito noong Oktubre 19.
Ikonokonsidera din ito bilang “dean” ng foreign press corps sa Beijing na siyang longest-serving foreign correspondent sa China.
Iginugol ni FlorCruz ang mahigit 40 taon sa kaniyang pag-aaral, pagtratrabaho at pag-travel sa China at nagsilbing journalist sa nasabing bansa simula noong 1980.
Maalala na nabakante ang nasabing posisyon mula ng pumanaw su dating Ambassadora Jose Santiago “Chito” Sta. Romana sa edad na 74 noong April 19, 2022.