-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na empleyado nila ang immigration personnel na nangikil ng P150,000 na “escort fee” mula sa isang overseas Filipino worker (OFW) na seaferer.

Ayon BI spokesperson Dana Sandoval na personal na dumulog ang biktimang si JC Manganti kay Commissioner Norman Tansingco at inireklamo ang hindi na pinangalanang immigration personnel ng extortion matapos nga na mangikil ito ng malaking halaga ng pera kapalit ng pagtulong nito para sa flight ng seaferer patungong France makaraang ma-offload ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi kasi pinayagan ang nasabing seaferer na makasakay ng eroplano noong nakalipas na Agosto 7 ng nakalipas na taon sa kanila ng valid Schengen visa at kumpletong mga dokumento nito.

Sa ikatlong attemp umano ng pasahero nang alukin siya ng naturang immigration officer sa BI main office na tutulungan siyang makasakay sa eroplano kapalit ng P150,000 fee.

Sa ngayon, ayon kay Sandoval nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BI sa naturang isyu at haharap ang immigration personnel sa administrative complaint kapag napatunayang guilty ito sa akusasyon laban sa kaniya.

Inaantay na lamang ng BI ang formal complaint na ihahain ng biktima laban sa empleyado.