-- Advertisements --

Pumirma ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny.

Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals.

Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron 20.

Hindi naman binanggit dito kung magkano ang halaga ng nasabing kontrata.
Ang NBA star pumirma ng lifetime Nike deal noon pang 2015.

Tatlong mga babae ang pumirma sa kontrata na sina JuJu Watkins mula sa Sierra Canyon ; Caitlin Clark ng University of Iowa; Haley Jones ng Standford at ang pang-lima ay si D.J. Wagner ng New Jersey high school.