-- Advertisements --
Naibulsa ni Pinay Weightlifter Elreen Ando ang pang-sampung medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian Games 2023.
Ito ay matapos maibulsa ni Ando ang bronze medal sa Women’s 64 kg Division.
Ang medalya ni Ando ang unang medalya na nakuha ng Phil team sa weighlifting category.
Nagawa ng Pinay athlete na maisulat sa kasaysayan ng Pilipinas ang bagong record para sa 64kg division matapos niyang magawang buhatin ang kabuuang 126 kgs sa kanyang ikatlong clean and jerk attempt.
Sa kabuuan, nagawa ni Ando na makapagbuhat ng hanggang 222kg sa kanyang event.
Samantala, sinundan ni Ando ang mga pambato ng China na si Xinyi Pei (234 kg) at North Korea weightlifter Unsim Rim na nakapagbuhat ng kabuuang 251 kg.