-- Advertisements --
Pina-alalahanan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang publiko na alagaan ang puso lalo na malapit na ang Valentine’s day o araw ng mga puso.
Sa isang video ibinahagi ng Pangulo ang kalahagahang alagaan ang kalusugan partikular ang puso bilang bahagi na din ng pagmamahal sa sarili.
Sinabi ng Pangulo na ang Bagong Pilipino ay maalaga sa kanyang kalusugan at bahagi na rito ang pag- aalaga sa kanyang puso.
Pabiro pang sinabi ng Presidente na lalong dapat na alagaan ang puso kung walang kapartner o single.
Ang mensahe ay idinaan ng Pangulo sa kanyang social media account na kung saan, ipinakita din ang pag eehersisyo ng Presidente gamit ang treadmill habang bumuhat din ng weights.