-- Advertisements --

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo ang pagdating ng Moderna vaccines na donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX Facitlity.

Sa isang statement, sinabi ni Sen. Bong Go na posibleng sa Agosot 3 darating ang naturang mga bakuna.

Ang pagtitiyak ng Estados Unidos sa panibago nilang vaccine donations ay kasunod nang pagbisita ng kanilang defense secretary na si Lloyd Austin kay Pangulong Duterte noong Huwebes.

Magugunita na sa naturang pulong natalakay din ang magiging kapalaran ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at America.