-- Advertisements --

mari

Ipinagmalaki ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang pagkakasabat ng PNP sa P81.6 million halaga ng marijuana products sa pitong magkakahiwalay na anti-illegal drug operations kung saan tatlong marijuana farms ang sinira at dalawang buybust operations.


Ayon kay Gamboa, sinasamantala ng drug traffickers ang pandemic sa pag-aakalang nakatuon lamang sila sa health and safety issues.

Siniguro ni Gamboa, tuloy-tuloy ang operasyon kontra iligal na droga ng Philippine National Police sa kabila ng pagiging abala sa COVID-19 pandemic.

Babala pa ng Chief PNP, paiigtingin nila ang operasyon at paghahabol sa mga sindikato, maliit man o malaki.

Kabilang sa nasabat ng PNP ang 107 bricks ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P13 milyong piso na nasabat sa dalawang suspect sa Mabalacat City.

Habang 34 na kilo ng marijuana at 156 grams ng high-grade kush na nagkakahalaga ng mahigit P4 na milyong piso ang nasabat sa tatlong suspek sa operasyon sa Valenzuela City at Antipolo City.

Mahigit P59 milyong marijuana plants din ang winasak sa Tinglayan, Kalinga at Toledo City sa Central Visayas.

Nasa 42 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P5 milyong piso ang inabandona naman sa Quezon, Isabela.