Bahagyang tumaas ang pandaigdigang presyo ng langis sa ikatlong sunod na araw dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na nagpalala sa posibleng matagal na pagkaantala ng suplay ng enerhiya.
Tumaas ng 20 sentimos o 0.22% ang Brent crude futures sa $91.07 kada bariles, habang umakyat naman ng 49 sentimos o 0.58% ang US West Texas Intermediate o WTI sa $84.99 kada bariles.
Ayon sa mga analyst, patuloy na sinusuportahan ng tensyon sa Middle East ang pagtaas ng presyo ng langis, partikular ang pagbagal ng operasyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.
Sinabi ng Iran na mananatiling sarado ang Strait of Hormuz hangga’t hindi tinutupad ng Amerika ang mga kondisyon sa interim agreement na nilagdaan noong Hunyo.
Kabilang dito ang pagtigil sa mga operasyong militar at iba pang kahilingan ng Tehran.
Samantala, sinabi ni U.S. President Donald Trump na paso na ang ginanap na pag-uusap sa pagitan ng Washington at Tehran, habang iginiit niyang bukas ang Strait of Hormuz sa kabila ng limitadong pagdaan ng mga barko.
Dahil dito, nagbabala ang mga analyst na maaaring manatiling mataas ang presyo ng langis sa mga susunod na buwan kung hindi agad mareresolba ang tensyon sa Strait of Hormuz.
Samantala, nagpatuloy ang labanan sa ibang bahagi ng Middle East matapos atakihin ng Iran-backed Houthi group ang ilang barko sa Red Sea.















