-- Advertisements --

Fully operational na ang sub-grid sa Panay island nitong hapon ng Biyernes ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ay kasunod ng malawakang power outage sa mga lugar sa Western Visayas ngayong linggo dahil sa aberya ng power plants.

Kaninang alas-12 ng tanghali, iniulat ng NGCP na napunan na ng Panay sub-grid ang 300MW na kinakailangang kuryente para mag-stabilize ito.

Kasunod na rin ng pagtanggal ng NGCP sa restriksiyon sa demand at ganap na pagbabalik sa suplay ng kuryente sa Panay island kasunod ng synchronization ng Palm Conception Power Corporation sa Panay-sub na may kapasidad na 135MW dakong 1:33 am ngayong araw at pagdedeklarang stable na ang kanilang unit.

Ayon sa NGCP, nasa 347.2MW na ang naisuplay sa Panay power plants kabilang ang 5.7 MW na iniexport sa grid kung kaya nasa kabuuang 341.4MW na ang nai-serve na loads.