-- Advertisements --
Inanunsiyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, na ibinase nila ang anunsiyo sa pinakabagong weather analysis at rainfall data mula sa iba’t-ibang data gathering stations.
Dagdag pa ng PAGASA, na sa mga nagdaang limang araw ay nagtala sila ng malawakang pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat na senyales na ng pagsisimula ng tag-ulan sa timog bahagi ng Luzon at Visayas.
Nanawagan ang PAGASA sa publiko na maging maingat laban sa epekto ng tag-ulan at Habagat.