-- Advertisements --

Ipinaalala ngayon ng PANA (Philippine Association of National Advertisers) na hanggang September 10, 2021 na ang deadline sa PANATA awards 2021.

PANA 1

Layon ng naturang paligsahan na kilalanin ang mga marketing brands na nakapagbigay ng malaking impact sa kabila na dinaranas ng mundo na krisis sa COVID pandemic.

Una nang nagbukas sa pagtanggap ng entries ang PANA para sa mga
outstanding Philippine marketing communication campaigns at mga advertisers.

Narito ang mga kategorya sa PANA awards:
Gawad Pandayon – Courage.
Gawad Pandayon – Creative Effectiveness
Gawad Pandayon – Authenticity
Most Effective Single Medium category
Brand Builder of the Year

Nilinaw naman ng PANA na ang mga qualified entries ay doon sa mga na-ere na mula January 2020 hanggang December 2020.

Ang tema ngayon taon ng PANATA Awards ay “Hilaraya.” Ang ibig sabihin ay nagpapaabot ng mensahe na “moving forward” tungo sa makabango at maaliwalas na hinaharap.

Ang PANA ay isa sa kinikilalang organisasyon sa bansa na may halos 300 miyembro mula sa iba’t ibang mga multinational at local companies na may kaugnayan sa advertising at brand building.