Emosyonal na pinabulaanan ng mga naulilang anak ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ang dahilan sa likod ng kaniyang biglaang pagkamatay.
Sa pagharap sa media ng kaniyang mga anak na si Andi Eigenmann, at Gabby Eigenmann ay nilinaw na walang naging foul play sa pagkamatay ng kanilang ina.
Aniya, myocardial infarction o atake sa puso ang ikinasawi ng award winning actress nitong Marso 2, 2024, sa edad 60 taong gulang.
Kasabay nito ay muling inalala ng kaniyang anak na si Andi ang malaking naging ambag ng kaniyang ina sa industriya ng pelikulang Pilipino kaalinsabay ng paglalarawan sa kaniyang buhay bilang isang obra maestra.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang naulilalang pamilya ni Jaclyn Jose para sa mga taong nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay para sa kanila kasabay ng hiling na respeto at privacy hinggil sa nangyaring insidente.
Kung maaalala, una nang sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo na naniniwala ang naulilang pamilya at kaanak ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose na walang nangyaring foul play sa kaniyang biglaang pagkamatay.
Kaugnay nito, nagparating na ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa naiwang pamilya ng aktres.