BOMBO DAGUPAN -Ginawaran ng financial assistance ang pamilya ng nasawing Overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na si Marjorette Garcia.
Pinangunahan ni Overseas Workers Welfare administrator Arnold “Arnel” Ignacio ang pamamahagi ng tseke ng death at burial benefits na nagkakahalaga ng P 220,000. Bukod riyan ay P15,000 na livelihood assistance mula sa Overseas Workers Welfare administration.
Nangako rin ang OWWA ng Education Scholarship para sa panganay na anak si Jake Moises, 9 na taong gulang at kasalukuyang nasa grade 4 kung saan ito ay tatanggap ng P5,000 kada taon hanggang matapos ng grade 6 at kapag sa highschool mayroon siyang tatanggapin na 8,000 kada taon at P10,000 kada taon kapag nasa kolehiyo na ito.
Samantala, inabot din sa pamilya ang 7,694.44 galing naman sa mga succesfful OFWs at OFW organization abroad na karagdagang tulong sa pag aaral ng 2 anak ng OFW. Dagdag pa riyan ay may mga may school supplies para sa dalawang anak ni Marjorete.
Samantala, nagkaloob naman ng tulong pinansyal ang provincial government ng Pangasinan na nagkakahalaga ng P50,000.