-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng dalawang nursing graduate at isang estudyante na minasaker sa loob ng tinitirhang bahay sa Catmon Street, Amparo Village, Caloocan City.

Ang mga biktima ay nagngangalang Glydyl Belonio, ng Maspasan, Calinog, Iloilo; John Arjay Sarmiento Belencion, 23-anyos din, ng Barangay Nalbugan, Calinog, Iloilo; at Mona Habibolla.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rosemarie Belonio, ina ni Glydyl, sinabi nito na brutal na ang sinapit ng kanyang anak at dalawang iba pa matapos nagtamo ng multiple stab wounds.

Ayon sa ina, bago nangyari ang krimen ay may isang contruction worker na nagtatrabaho sa bahay na tinitirhan ng mga biktima.

Pahayag nito, hindi kontento ang may-ari kaya kumuha na ito ng ibang kontraktor upang ayusin ang bahay.

Sinabi rin nito na si John Arjay ang unang nakatanggap ng pagbabanta at maaaring nadamay lang ang dalawang nursing graduate.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na walang “forcible entry” sa bahay.

Sa ngayon, hindi pa rin natutukoy ang mga salarin.