-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Humihingi ng tulong sa ngayon ang pamilya ng lalaking tumalon sa departure area ng NAIA Terminal 1 noong Huwebes ng hapon na maiuwi sa South Cotabato ang bangkay nito.

Kinilala ang nasawi na si Michael Laureano, 25 anyos at residente ng Purok Sampaguita, Brgy. Colongulo, Surallah, South Cotabato.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Riza Laureano,kapatid ng biktima, lumapit sila sa Bombo Radyo upang humingi ng tulong dahil hindi sila naniniwalang tumalon ito upang magpakamatay.

Posible umanong tinakot o nagdaramdam ang kapatid nito dahil una na itong humingi ng tulong na makauwi dahil sa nababahala itong palayasin ng kanyang amo.

Bago pa man ang pangyayari ay nakapag-chat pa ang biktima sa kanyang kapatid. Sa ngayon hiling nila na maimbestigahan ang pangyayari at maiuwi ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan dito sa Surallah, South Cotabato upang mailibing ng maayos.

Problema naman umano nila ang gagastusin sa pagpapauwi ng bangkay kaya’t nananawagan na rin sila ng tulong sa gobyerno.