-- Advertisements --
Kinumpirma ng kapatid ni Percy Lapid na hanggang sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy at hindi pa rin tumitigil ang mga pagbabanta sa buhay ng kanilang pamilya.
Sinabi ni Roy Mabasa na nito lamang nakaraang mga araw ay isang sasakyang heavily tinted ang nakitang paikot-ikot sa kanilang subdivision at humihinto sa tapat ng bahay ni Percy.
Agad naman aniya nila itong inireport sa pulisya at sa isinagawang beripikasyon sa Land Transportation Office ay natukoy o nakilala na ng mga imbestigador ang pangalan ng registered owner.
Sinabi ni Mabasa na sa kanyang pagkakaalam ay kasalukuyan ng hinahanap ng mga otoridad ang nakarehistrong may-ari ng naturang sasakyan.