-- Advertisements --
334606945 917991529622764 8247446633526800838 n 1

Kumbinsido ang pamilya Degamo na isang mayamang indibdiwal ang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa noong Sabado, Marso 4.

Ayon sa pamangkin at kasalukuyang Board Member Nyrth Christian DEgamo ng ika-2 distrito ng probinsiya na pulitika ang motibo sa krimen.

Kapwa naniniwala sina Nyrth Christian at Carlo Degamo na kapwa adopted son ng Gobernador na plinanong maigi ang pag-atake at pinondohan kung titignan aniya ang mga personalidad na naaresto ng law law enforcers at klase ng mga baril na narekober mula sa mga suspek.

Ayon pa sa Board Member na hindi ito ang unang pagkakataon na may mga taong namatay sa probinsiya dahil sa pulitika kundi nangyayari na ito bago pa man ang eleksiyon subalit ikinalungkot nito ang mga nadamay na ordinaryong mamamayan na namatay na sumusuporta sa Gobernador.

Sa pagkakataong ito aniya siniguro nilang patay ang Gobernador. Aniya, kada araw talaga ng Sabado binubuksan ang bahay ng Gobernador para sa kanilang mga kababayan na nangangailangan ng tulong dahil abala ito sa kaniyang mga responsibilidad sa Capitol tuwing weekdays.

At noong Sabado nga, isinagawa ang pagpatay sa Gobernador sa kanyang tahanan mismo habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

Hindi naman tinukoy ng Board member kung sino ang responsable sa karumal dumal na krimen.

Ang labi ng gobernador ay nakalagak sa Degamo residence sa Barangay Junob, Dumaguete City.

Isinasapinal pa ng pamilya ang detalye para sa libing ng labi ng Gobernador. Subalit nakatakdang dalhin ang labi ng Gobernador sa Provincial Capitol para sa vigil at public viewing.