-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Aminado ang pamilya Adiong na mayroong kaugnayan sa kampanya kontra sa ilegal na droga kung bakit pinagtangkaang paslangin ng suspected drug syndicate ang naka-convoy na si ambush survivor Lanao del Sur Gov. Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr noong nakaraang Pebrero 2023.

Batay ito sa inihayag sa kapatid ng gobernador na si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong sa plenaryo ng Kamara hingging sa pangyayri sa kanilang probinsya.

Sinabi ng kongresista na talagang pinagtuunan ng kaukulang pansin ng mga otoridad ang bayan ng Maguing kung saan natambangan ang grupo ng gobernador dahil sa malaking problema ng ng ilegal na droga.

Tinukoy pa ni Adiong ang ilang mga operasyon ng PDEA-BARMM at pulisya laban sa kumikilos na mga sindikato kung saan nakompiska ang ilang milyong halaga ng suspected shabu at napasok ang malawakang mga taniman ng mga marijuana.

Kung maalala,umaga ng Pebrero 17 ay nasamsam ng PDEA at PNP ang nasa limang milyong piso na halaga ng marijuana subalit pagdaan naman sa convoy ng gobernador sa bandang hapon ay sinalubong na sila ng mga bala dahilan na apat sa security escorts ang dead on the spot.