-- Advertisements --
image 304

Kalahok sa isasagawang joint military exercises ang pambihirang warship ng Russia na armado ng new-generation cruise weapons kasama ang Chinese at South African navies sa darating na buwan ng Pebrero.

Ayon kay Admiral ng Fleet ng Soviet Union Gorshkov, ito ang unang pagkakataon na opisyal na nabanggit ang partisipasyon ng nasabing frigate na armado ng Zircon missiles, isang napakalakas na weapon na kayang tumagos sa anumang existing anti-missile defense at siyam na beses na mas mabilis kumpara sa speed ng sound na nasa mahigit 1,000 kilometers o mahigit 620 miles ang bilis.

Ang naturang drills ay magsisimula sa Pebrero 17 na magtatagal hanggang sa Pebrero 27 ng kasalukuyang taon na gaganapin malapit sa port city ng Durban and Richards Bay.

Layunin nito na mapalakas pa ang lumalagong ugnayan sa pagitan ng South Africa, Russia at China.