-- Advertisements --
Kinoronahan bilang 3rd Runner Up ang pambato ng Pilipinas sa Miss Global 2023 na si Pearl Hung. Ang coronation night ay ginanap sa Vietnam noong ika-18 ng Enero 2024.
Nasungkit ni Ashley Melendez ng Puerto Rico ang titulong Miss Global 2023.
Itinanghal naman ang pambato ng bansang Samoa na si Haylani Pearl Kuruppu bilang 1st Runner Up at 2nd Runner Up naman si Chonnikarn Supittayaporn ng Thailand.
Si Pearl Hung ay tubong Palawan at isang businesswoman. Kinoranahan din siya noong 2018 bilang Second Princess ng Miss World Philippines.