-- Advertisements --

Nagtapos sa ikatlong puwesto ang pambato ng bansa sa Reina Hispanoamericana 2021 pageant na si Emmanuelle Vera.

Nakuha muli kasi ng Mexico ang korona sa pamamagitan ni Andrea Bazarte sa coronation night ng 30th edition ng pageant na ginanap sa Santa Cruz dela Sierra sa Bolivia.

Kinoronahan naman si Ana Lucia Tejeria bilang Virreina Hispanoamericana 2021 habang naging first runner-up si Maria Alejandra Vengoechea ng Colombia at second-runner up naman si Andrea Romero ng Venezuela.

Umabot lamang sa 11 araw na naghanda ang singer-actress ng makuha nito ang korona sa Reina HispanoAmerican Filipinas 2021 at Miss World Philippines 2021 pageant noong Oktubre 3 sa Subic, Pampanga.

Magugunitang si Teresita Ssen Marquez o Winwyn Marquez ang siyang naging unang Pinay na nagwagi ng nasabing titulo noong 2017.