Posible umanong ang pambabastos sa isang miyembro ng LGBT ang puno’t dulo ng riot sa New Bilibid Prisons (NBP) na naging dahilan ng pagkamatay ng siyam na miyembro ng persons deprived of liberty (PLDs).
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay BuCor Spokesperson Col. Gabriel Chaclag, sinabi nitong mayroong nagsumbong na miyembro ng LGBT sa Sputnik gang na siyang sumugod sa kabilang grupo o ang Commando gang.
Maliban dito, sinabi ni Chaclag na posibleng hindi nagkaintindihan ang magkabilang grupo sa kanilang mga alitan kaya nauwi ito sa rambulan na ikinasugat din ng pitong katao.
Natigil umano ang grupo nang pumagitna si BuCor Dir. Gerald Bantag at nagbantang , hindi sila titigil ay siya mismo ang papasok sa loob ng area kung saan nagkaroon ng riot.
Samantala, nakikipag-ugnayan pa raw ang BuCor sa pamilya ng mga namatay na inmates bago nila isapubliko ang pangalan ng mga ito.
Sa naturang riot, pito ang nasawi na miyembro ng Sputnik at dalawa sa Commando gang.